Tuesday, October 21, 2014

MARUNGKO APPROAH(Pagtuturo sa Pagbasa)

Ang mga tunog ng isang wika ay may pasalitang simbolo na maaaring maging titik o simbolong pasulat. Maaari namang maging pasalitang simbolo ang mga simbolong pasulat kung ating babasahin ang mga ito.


Ibig sabihin lamang na ang isang tunog ay kumakatawan
sa isang titik at ang isang titik ay may kanyang sariling
tunog.

Ang Marungko Approach ay gumagamit ng 28 titik ng
makabagong alpabetong Filipino na itinuturo sa ganitong
pagkakasunud-sunod.


  m  s  a  i  o  b  e   u  t

  k  l  y  n  g  ng  p  r  d

  h  w  c  f  j  n   q  v  x

  z (enye)  
   
Unang Antas ng Pagbasa
1.Pagpapakilala ng mga larawan ng mga bagay na
 nagsisimula sa tunog na pinag-aaralan.

2.Pagpapakilala ng tunog

3.Pagpapakita ng hugis ng tunog

4.Pagpapakilala ng titik

5.Pagpapasulat ng hugis sa hangin,
 sa  sahig, sa palad atbp.

6.Pagpapasulat ng hugis ng titik sa  papel

7.Pagpapasulat ng simulang tunog. 

Ikalawang Antas ng Pagbasa 

Pagsasama-sama ng mga tunog upang makalikha ng
isang makabuluhang salita

m  s  a  …..
ama                mama           asa
sama               sasama         aasa 
masama   

Ikatlong Antas ng Pagbasa
Pagpapakilala ng mga pantulong na kataga
         ang     mga     si      ay     ng     kay 

Ikaapat na Antas ng Pagbasa
Pagbubuo ng mga parirala at pangungusap
ØSamasama ang mga mama.
ØSasama ang Mama kay ama.
ØAasa ang Mama sa ama.

Pagsagot sa tanong na may: sino, ano,saan
nasaan, kanino 

Pagbasa ng maikling kuwento

Pagsagot ng mga tanong tungkol sa kuwento 

Mga Halimbawang Gawain

 Salita  (m   s   a   i   o   b)
baso   basa     abo   iba   baba    mabisa    masiba
bomba

Parirala

  iba ang abo       ang mga baso       bomba sa baso
Pangungusap

  Ang mga baso ay basaBabasa si Sam.

  Ang baba ni Sisa ay basaIba ang aso sa oso.

  Masiba ang mga aso.
m   s   a   i   o   b   e   u   t   k   l   y   n


Salita

  yoyo     noo     bota     tabo     lobo     ibon

   butas    mata   luya     ubas     kain

Parirala  

  mata ng ibon  bola sa ilalim ng kama

  lobo sa mesa
  
m   s   a   i   o   b   e   u   t   k   l   y   n
Pangungusap

  Ang lobo ay kay Bea.

  Kakain ng ube si Tina.

  Kulay itim ang siko ni Lea.

  Nasa lamesa ang tasa.

  Takot ako sa leon.

m   s   a   i   o   b   e   u   t   k   l   y   n
Pangungusap at Tanong
  Ang lobo ay kay Bea.

  Kanino ang lobo?

  Kakain ng kalabasa si Tina.

  Sino ang kakain ng kalabasa?

  Kulay itim ang siko ni Lea?

  Ano ang kulay itim?

  Nasa lamesa ang tasa.

  Nasaan ang tasa?

  Takot ako sa leon.

  Saan ako takot?

m   s   a   i   o   b   e   u   t   k   l   y   n
Maikling Kuwento

  May lobo sa loob ng kotse.

  Kay Bambi ang asul na lobo.

  Masaya si Bambi sa lobo niya.

  Kanino ang lobo?

  Anong kulay ang lobo?

  Sino ang masaya?

  Nasaan ang lobo?