Saturday, August 2, 2014

Bakit Ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika?

Buwan ng Agosto ay buwan ng pagdiriwang ng wikang Filipino. Ito isang espesyal na buwan para sa mga Pilipino. 
Sa buwang ito, ginugunita ang ating pagka-Pilipino, ang pagkakaroon ng sariling wika na Wikang Filipino na walang takot na ipinaglaban ng ating ama ng wika—ang dating pangulong si Manuel Luis Quezon. 
Sa taong ito, “Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas.” Inihahatid nito na mas lalo pang pag-ibayuhin ang paggamit ng wikang sariling atin.

Ang pagdiriwang ng buwan ng wika ay hindi lamang pagbabalik tanaw sa kasaysayan ng wika, anong artikulo ang nagpapatibay sa wika at kung sino ang ama ng wikang pambasa bagkus inaalala din dito ang iba’t ibang kultura, tradisyon at paniniwala ng bawat mamamayang Pilipino. 

Ang Buwan ng Wika ay isang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap tuwing buwan ng Agosto. Ito ang pinalawig na pagdiriwang ng Linggo ng Wika na pinalawig noong Enero 151997 sa pamamagitan ng Proklamasyong Bilang 1041 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Kadalasang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa mga paaralan. Kaugnay nito, maraming mga kaganapan ang ginagawa upang ipagdiwang ito, gaya ng sabayang pagbigkas, balagtasan, paggawa ng slogan, paggawa ng mga sanaysay pagbigkas ng mga tula, pagsasayaw ng mga katutubong sayaw at pag-awit ng mga katutubong awit.

6 comments: